Angadanan, Isabela – Pitong katao ang matinding nasugatan matapos magbanggaan ang dalawang tricycle o kolong-kolong sa kahabaan ng Barangay Centro 3, Angadanan sa oras na alas onse ng gabi nitong nakaraang araw ng lunes, Marso dyes, taong kasalukuyan.
Sa imbestigasyon na ibinahagi ng PNP Angadanan sa RMN Cauayan, kinilala ang mga bikrima na sakay ng pula at walang plaka na kolong-kolong o tricycle na sina Junjun Matusalem Velasco, trese anyos, residente ng Barangay Centro 3, Angadanan, Isabela; Solidad Espiritu Quilang, kwarentay tres taong gulang, residente ng Barangay Calabayan Minanga, Angadanan; Clarissa Estrada Cagungon, dalawamping taong gulang taong gulang, residente ng Barangay Antonino, Alicia at ang drayber na si Jay-ar Espiritu, labing walong taong gulang at residente ng Barangay Calabayan Minanga, Angadanan, Isabela.
Samantala ang mga biktima naman sa isang itim at may plaka na kolong-kolong ay sina Jomari Martinez Solido, labing pitong taong gulang; Michael Jordan Ferer Santos, bente uno anyos; Kenneth Walter Legaspi Ferer, labing walong taong gulang, drayber ng motor at pawang mga residente ng Barangay Magletica Echague, Isabela.
Batay sa pangyayari, ang kulung-kulong na walang plate number ay patungong Alicia, Isabela samantala ang itim na kulung-kulong ay papuntang Cauayan City kung saan nagkasalpukan sa gitna lalo na sa may makurbang parte ng daan.
Sa lakas ng impak ng banggaan, nagtamo ng malalang sugat ang mga biktima na kaagad na dinala ng Angadanan at Alicia Rescue Team sa pinakamalapit na pagamutan.
Ang dalawang sasakyan ay dinala na sa pulisya para sa karagdagang imbestigasyon.