Banggaan ng Motor at Truck, Isa ang Patay!

Cauayan City, Isabela – Dead on the spot ang isang lalaki matapos na bumangga sa forward truck ang motorsiklo nito sa kahabaan ng National Highway ng Barangay Cabaruan, Cauayan City.

Kinilala ang nasawi na si Alexander Manalo, 39 taong gulang, may asawa at residente ng Villarta Street, District 1, Cauayan City samantala ang drayber ng truck ay kinilala na si Lusencio Guiyab, 52 taong gulang at residente ng San Pablo, Tumauini, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, binabaybay umano ng motorsiklo ang kahabaan ng nasabing lansangan papuntang Cauayan City samantalang ang forward truck ay patungong Reina Mercedes nang biglang lumihis ng linya ang motorsiklo na dahilan ng pagkakatumbok nito sa truck.


Sa resulta nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Manalo na naging sanhi ng agarang pagkasawi ng biktima.

Nakatakda naman sa mga susunod na araw ang pag-uusap ng magkabilang panig at nasa himpilan ng pulisya ang forward truck para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments