Bangkay ng lalaki na lumutang sa ilog sa Maynila, kilala na

110

Nakilala na ng mga otoridad ang bangkay ng isang lalaki na lumutang sa bahagi ng Estero De Sunog Apog River, Gagalangin, Tondo, Manila kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Renato Manalastad, 52-anyos at isang trycicle driver.


Base sa report ng Raxabago Police Station, ang bangkay ng biktima ay nakita ng isang menor de edad na nagkakalkal ng basura sa lugar.

Ang biktima ay kinilala mismo ng isa nitong kamag-anak.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung aksidente ang pagkalunod ng biktima o may iba pang sanhi ang pagkamatay nito bago itinapon sa estero.

Facebook Comments

From Advertisers