DNA samples ng pangalawang suicide bomber sa Indanan Sulu at Morrocan suicide bomber sa pagsabog basilan hindi tumugma ayon sa PNP Crime Lab

88

Malinaw na hindi anak ng Morrocan ang pangalawang suicide bomber sa nangyaring pagsabog sa isang Military Camp sa Indanan Sulu.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde matapos na hindi tumugma ang DNA samples na kinuha sa suicide bomber sa pagsabog sa Indanan Sulu at Moroccan suicide bomber sa pagsabog sa Lamitan Basilan.


Una kasing hinala ng militar maaring anak ng Moroccan ang pangalawang suicide bomber sa pagsabog sa Military Camp sa Sulu dahil sa itsura ng nakuha pares ng paa na tila banyaga ang mayari.

Hirap ang mga awtoridad hanggang ngayon kung paano matutukoy ang pangalawang suicide bomber sa pagsabog sa Indanan Sulu lalot pares ng paa lang ang natira sa suicide bomber kaya nahihirapan silang makahanap ng standard comparison.

Una nang kinumpirma ng PNP at AFP na isang Pinoy ang isa sa suicide bomber na kinilalang si Norman Lasuca matapos na i claim ang labi nito ng kanyang pamilya at mag tugma ang DNA samples ni Norman Lasuca at kanyang ina.

Sa pagsabog sa Indanan Sulu 8 ang namatay habang mahigit 20 ang sugatan.

Facebook Comments

From Advertisers