Itinatampok ngayon ng STI College Cotabato sa kanilang 2 Day Senior High School Expo ang ibat ibang invention at angking galing mula sa ibat ibang larangan .
Layun ng Expo ay upang mailabas ng mga istudyante lalo na ng mga Bangsamoro Students, ang kanilang natatanging mga abilidad at masubuk ang kanilang mga angking galing lalo na sa 4Cs na kinabibilngan ng Character, Communication skills, Change-adept at Critical thinking itoy ayon pa kay Dr. Alfred Taboada, SHS Principal ng STI Cotabato.
Kabilang sa naging bisita sa pagsisimula ng Expo ngayong araw si Dr. Amy Ocampo at Dr . Vivencio Aniñon ng City Schools Division.
Sinupresa naman ng mga SHS Students ng STI Cotabato ang mga naging bisita sa kanilang ibat ibang invention na kalimitang gawa sa Recycle at Herbal Products.
Bukas naman sa publiko lalo na sa mga istudyante mula sa ibat ibang eskwelahan ang kanilang mga gawa.Masasaksihan ito sa STI COLLEGE Cotabato.
Bangsamoro Inventions tampok sa EXPO sa Cotabato City
Facebook Comments