Bantang pagbawi ng mga sundalong idineploy para sa martial law ni Pangulong Duterte, act of frustration lang daw

22

Manila, Philippines – Act of frustration lang daw ng Pangulong Rodrigo Duterte kung kayat nasabi nitong babawiin niya ang mga sundalong idineploy sa Mindanao matapos magdeklara ng Martial law.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, ginawa na raw kasi lahat ng Pangulo upang hindi na tumagal at lumala pa ang gulo sa Marawi City.

Pero kung ito ay ipapawalang bisa ng Korte Suprema ay posibleng ika-dismaya nga ito ng Pangulo.

Magkagyunpaman naniniwala si PNP Chief Dela Rosa na kung anuman ang maging desisyon ng Korte Suprema ay rerespetuhin ito ng Pangulong Duterte.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang gulo sa Marawi City pero kontrolado na ito ng tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments