BANTAY SEGURIDAD | Mas mahigpit na seguridad, ipatutupad sa Sinulog

Cebu City – Pinaalahanan ni Cebu City Mayor Tomas Osmerna na magiging nakapaistrikto sa selebrasyon ng Sinulog fiesta ngayong taon.

Ayun kay Osmena, maliban sa kapulisan, kailangan din na tumulong ng publiko sa pagbabantay sa paligid dahil may natanggap itong tungkol sa bomb threat ngunit hindi na idinetalye ng mayor kung saan niya nakuha ang nasabing ulat.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nag-imbita ang lokal na pamahalaan sa lungsod ng Cebu ng mga dayuhang bisita, para matutukan ng kapulisan ang kanilang trabaho para magbigay ng seguridad sa ibang mga spectators.


Samantala, sinabi naman ni Police Regional Office-7 Director Jose Mario Espino, na wala silang namo-monitor na banta sa seguridad upang ipatupad ang pag-shut down ng mga cellphone signal kagaya nang ginawa noong nakaraang taon.

Facebook Comments