BANTAY SEGURIDAD | NPA, isang malaking banta – PNP

Manila, Philippines – Isang malaking banta para sa Philippine National Police (PNP) ang panggugulo ng komunistang teroristang New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, dahil itinuturing ng terorista ang NPA kaya kasama na ito sa kanilang mabigat na hinaharap.

Sa katunayan aniya ilang taon nang nagbibigay ng problema sa bansa ang NPA kaya napapanahon ng matigil ang panggugulo, pangongotong at iba pang iligal na aktibidad ng mga ito.


Samantala, nanatili naman ang desisyon ng PNP na hindi na pagrerekomenda pa ng Suspension of Police Operation ngayong Christmas season.

Ito ay kahit na tradisyunal na itong ginagawa tuwing panahon ng Kapaskuhan.

Facebook Comments