Cauayan City, Isabela-Arestado ang isang dating miyembro ng Philippine Army at ngayo’y Barangay Kagawad ng Lanna, Tumauini, Isabela matapos masamsam sa kanya ang hindi lisensyadong baril at iba’t ibang uri ng mga bala at Granada sa kanyang tahanan.
Kinilala ang nahuling suspek na si Isabelo Maggay, 55 anyos, may asawa at residente ng nasabing bayan.
Nag-ugat ang pagdakip sa suspek matapos ang isinilbing Search Warrant laban sa kanya ng pinagsanib pwersa ng Tumauini Police Station; CIDG Isabela Provincial Field Unit; Provincial Intelligence Unit-Isabela PPO; G2-5th Infantry Division Philippine Army; MIB-5ID PA; at NISU 12 Philippine Navy.
Nakumpiska mula kay Maggay ang 1 yunit ng caliber .45 pistol; 1 piraso ng fragmentation hand grenade; 1 piraso ng hand grenade; 3 bala ng M203; 2 piraso ng long steel magazine para sa M16 rifle; 2 piraso ng short steel magazine para sa M16 rifle; 3 magazine para sa .45 pistol; 1 bala ng caliber 50; 87 bala ng M16 rifle; 4 bala ng M14 rifle; 9 bala ng 9MM pistol; 1 piraso ng cartridge case ng M14 rifle; 1 steel ammo box; 1 plastic ammo box; at 1 itim na sling bag.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms, Ammunition Regulation Act at Republic Act 9516 o Law on Illegal Possession of Ammunition and Explosives. Si Maggay ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group-Isabela Provincial Field Unit para sa dokumentasyon at tamang disposisyon