Patay ang barangay tanod ni Poblacion mother barangay chairman Nasser Usman
matapos pagbabarilin kagabing alas sais ng gabo sa lose limsr.street
extension sa tapat Maher store na pag-aari ni kapitan.
Kinilala ang biktima nasi Nasrudin Saluganda Samad 38 anyos may asawa at
residente ng nasabing lugar, siyay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo
mula sa caliber 45 pistol na baril na naging sanhi ng kanyang agarang
kamatayan.
Ayon pa sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, ni PCI Reynaldo Delanten,
papasakay naumano ang barangay tanod sa kanyang single motorcycle na honda
wave ng biglang nilapitan ng isang gunman at walang kaabog-abog na
pinagbabaril ng tatlong beses ang biktima.
Matapos ang insedente ay mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang
suspect, sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang follow up inbestigation ng
kapulisan inaalam kung anu ang motibo sa krimen.