Friday, February 13, 2026

BARIL AT ₱83K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA ISANG TRICYCLE DRIVER SA LINGAYEN

Nasamsam ang isang baril at tinatayang ₱83,640 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang 50-anyos na tricycle driver na residente ng Binmaley, Pangasinan matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Lingayen noong Pebrero 12, 2026.

Isinagawa ng Lingayen Municipal Police Station ang operasyon sa koordinasyon ng PDEA-RO1, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakumpiska ang 12.3 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa dalawang heat-sealed transparent plastic sachet.

Bukod dito, narekober din ang isang homemade na caliber .22 revolver, dalawang piraso ng bala, ang ginamit na buy-bust money, at iba pang kagamitan na ginamit sa iligal na gawain.

Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga itinakdang saksi at ng suspek, alinsunod sa umiiral na batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek na nahaharap sa kaukulang mga kaso.

Facebook Comments