Baril at Pampasabog Narekober ng mga Awtoridad sa Jones, Isabela

Jones, Isabela – Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Jones,PNP Provincial Intelligence Branch ng Isabela Police Provincial Office at 86th Infantry Battalion ang isang lalaki dahil sa pangangalaga nito ng mga baril at pampasabog.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan News Team mula kay PSupt Ronald Laggui ng Isabela PPO, isinagawa ang paghahalughog sa tahanan ng suspek na nakilalang si John Glen Geron,35 yrs old at residente sa Barangay Uno, Jones Isabela.

Ang paghahalughog na isinagawa ng kapulisan at kasundaluhan ngayong umaga ng Disyembre 22, 2017 ay sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC Branch 24 na nakabase sa Bayan ng Echague.


Ang suspek ay pinaniniwalaang sangkot say illegal na droga at nagtatago ng malalakas na uri baril kayat isinakatuparan ang naturnag operasyon laban sa kanya na nagresulta sa pagkakarekober ng isang kalibre kwarentay singko na may isang magazine na puno ng bala at isang 40mm grenade launcher.

Ang suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng PNP Jones, Isabela at kasalukuyang isinasailalim sa tactical interrogation.

Inihahandana rin ang kasong isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments