BARILAN SA BRGY. BALATAS, NAGA CITY – SUNDALO NG 9TH ID, SECURITY GUARD,CONSTRUCTION WORKER, PATAY

TATLO KATAO ANG INIULAT NA NAMATAY SA ISANG INSIDENTE NG BARILAN SA BRGY. BALATAS, NAGA CITY bandang alas 9 kagabi, October 29, 2019.

Ayon sa report, nagsasagawa ng pagbabakod sa isang bahagi ng lugar malapit sa Sto. Memorial Park at Eternal Garden sina 1) Ronald Ocares y Madrid, construction worker, Balatas, Naga City, 2) Moises Onoya, Brgy. Balatas, Naga City, 3) Richard Directo y Lontok, security guard, ng bayan ng Tigaon, Camarines Sur, 4) Joseph Rey Pasil, security guard, ng Goa, Camarines Sur, 5) Eric Delos Santos y Delos Reyes, 6) Silvestre Periña y Villareal, security guard, 7) Francisco Baysa y Moronia, ng Brgy. Cararayan, Naga City, at 8) Norman Calomos y Villones, security guard, Calabanga, Camarines Sur, nang biglang dumating si Leo Jeremias y Viñas, myembro ng 9th ID, Philippine Army, bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga biktima.

Patay sa pinagyarihan ng insidente sina Ocares at Onoya; samantalang natagpuan rin ang wala ng buhay na katawan ng sundalong si Leo Jeremias sa kalsada na malapit rin sa vicinity ng barilan.


Sa inisyal na imbistigasyon pa ng pulisya, conflict sa usapin ng lupa ang isyu kung bakit naganap ang masaklap na pangyayari. Lumabas din sa report na apektado ang pamilya ng sundalong si Jeremias sa ginagawang pagbabakod ng nasabing lote, kung kaya’t posibleng ito ang nag-udyok sa kanya na pagbabarilin ang mga construction workers at security guards na inuutusang magbakod ng kontrobersiyal na propriedad malapit sa dalawang private cemeteries sa Brgy. Balatas, Naga City.

Isa pang sugatan ang napaulat na binawian rin ng buhay, ayon pa sa follow-up report, subalit wala pang kumpirmasyon hinggil dito ang otoridad.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbistigasyon ng otoridad kaugnay ng nasabing insidente.

With report and photos contributed by Radyoman Paul Santos

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments