BASIC LIFE SUPPORT- STANDARD FIRST AID TRAINING, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG ALAMINOS

Naisagawa ang training patungkol sa First Aid basic life support-standard sa mga opisyales ng lungsod at Child Development Workers.
Ang nasabing training ay upang malaman ng lahat ng nakilahok ang wastong pagresponde sa mga nangangailangan at upang maging handa sa anumang mga sakuna na maaaring dumating ng hindi inaasahan.
Ito ay pinangunahan ng CDRRMO o City Disaster Risk Reduction Management office katuwang ang alkalde ng nasabing lungsod.

Samantala, ang apat na trainers na nakasama ng mga nakilahok sa loob ng tatlong araw ay mula sa Ilocos Training And Regional Medical Center for Health Development 1. |ifmnews
Facebook Comments