Matatandaang sa unang pagkakataon, ay walang kinatawan ang Bayan Muna sa Kamara sa pagpasok ng 19th Congress.
Sinariwa ni Zarate ang unang pagsabak ng Bayan Muna noong 2001 bilang kinatawan sa Kamara ng mga marginalized at underrepresented sa lipunan.
Mula rin noong 2001 at hanggang sa 2016 election ay hindi bumababa sa tatlo ang kinatawan ng Bayan Muna kung saan isa sila sa mga Partylists na palaging nangunguna o may mataas na boto.
Inisa-isa rin ng kongresista ang mga batas na kanilang ini-akda na nakatulong ng malaki sa mga Pilipino.
Ilan lamang sa mga ito ang Tax Relief Act of 2009, Rent Control Act of 2009, Anti-Torture Act, Marcos Human Rights Victims Reparation and Recognition Act, Local Absentee Voting for Media, Free Mobile Disaster Alert Act, Mental Health Act, Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act at iba pa.
Sa kabila aniya ng patuloy na pakikipaglaban sa korapsyon at mga katiwalian sa pamahalaan ay naging target din sila ng mga pag-atake, harassment, at red-tagging.
Tiniyak naman ni Zarate na kahit wala na sila sa susunod na Kongreso ay tuloy pa rin sila sa paggiit at paglaban sa interes ng mamamayan.