BAYAN NG BALETE AT LIBACAO, LUBOS NA NAPINSALA NG BAGYONG PAENG

Kalibo, Aklan – Umabot na sa Php 288,780,066.98 ang naiwang pinsala ng Bagyong Paeng sa probinsya ng Aklan.
Base sa latest damage report PDRRMC Aklan, may kabuuang Php119,305,066.98 ang pinsalang dulot ng Bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura habang nasa Php 109,690,000.00 naman ang sa imprastraktura.
Sa nasabing halaga ay Php 46,570,367.00 ang naiwang pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Balete, habang Php 26,954,316.00 naman sa bayan ng Libacao.
Nag iwan rin ito ng Php36,050,000.00 na pinsala sa imprastraktura sa bayan ng Balete, Php37,900,000.00 ang sa bayan ng Numancia, at Php25,060,000.00 ang sa bayan ng New Washington.
Samantala, nasa mahigit 78,084 na pamilya o 264,387 naman na indibidwal sa probinsiya ng Aklan ang naapektuhan ng Bagyong Paeng.
May 5, 830 household ang naitalang partial damage at 135 naman ang totally damage.
Nakapagtala rin ng 22 na injured, 8 na patay at 1 ang nananatiling missing.
Facebook Comments