
Cauayan City — Kinilala sa pambansang antas ang Bayan ng Cabagan matapos itong tanghaling National Winner sa 2025 Presidential Awards for Child-Friendly Municipalities and Cities para sa kategoryang 1st to 3rd Class Municipality.
Kinilala ang nasabing bayan dahil sa matatag na programa at polisiya ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga bata.
Kinilala rin ang ambag ng Municipal Government sa pagsusulong ng child-friendly governance at serbisyong panlipunan sa bayan.
Malaki rin ang naging ambag ng Municipal Social Welfare and Development Office at iba’t ibang tanggapan ng LGU, gayundin ng apat na barangay na kinabibilangan ng Catabayungan, San Bernardo, Masipi West, at Balasig, na sama-samang nagpatupad ng mga programang naglalayong protektahan, paunlarin, at itaguyod ang karapatan ng mga bata.
Ayon sa LGU Cabagan, ang pagkilalang iginawad ng Council for the Welfare of Children ay patunay ng mahusay na pamumuno at kolektibong pagsisikap ng buong pamahalaang lokal, at nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang palakasin ang mga inisyatiba para sa isang ligtas at maunlad na kinabukasan ng kabataang Cabagan.
Source: LGU Cabagan MHRMO/Roselily Baquiran









