Bayan ng Gamu sa Isabela, Isinailalim sa State of Calamity dahil sa African Swine Fever; 155 na Baboy, Pinatay at Ibinaon na

*Cauayan City, Isabela*- Isinailalim na sa State of Calamity ang Bayan ng Gamu, Isabela dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Mayor Nestor Uy, sa kabila ng deklarasyon ay higit na mabibigyan ng karagdagang tulong ang mga hograisers na apektado ng ASF.

Sinabi pa niya na nasa ilalim na ng red category ang kanilang bayan dahil sa nasabing sakit ng baboy kaya’t nagsasagawa na ng araw-araw na disinfectant ang 2 barangay na apektado sa kanilang bayan.


Dagdag pa niya na bumuo na rin sila ng task force sa mga barangay na nagmomonitor sa mga pumapasok at lumalabas na baboy sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon pa kay Mayor Uy, binabantayan din nila ngayon ang barangay Upi dahil may mga namatay na baboy doon.

Isinailalim naman na sa culling o pagpatay at pabaon sa lupa ang may 155 na baboy sa kanilang lugar.

Panawagan naman nito sa kanyang mga kababayan na ugaliin pa rin ang kalinisan sa bakuran para maiwasan ang mga sakit sa baboy.

Facebook Comments