Drug Suspect patay, 2 sa wounded sa operasyon sa Buluan Maguindanao

4346

Patay ang isang drug personality habang arestado ang isa pa sa isinagawang operasyon ng Militar at PNP sa Brgy. Poblacion ng Buluan Maguindanao.
Sa report mula PNP, kinilala ang nasawing drug suspek na si Jomer Buntulan Biang habang naaresto naman si Buhari Panambulang Dimasangkay. Sinasabing isa ring myembro ng otoridad ang naging sugatan sa operasyon.
Isinagawa ang operasyon 9:45 kaninang umaga sa bahagi ng Brgy. Pedtubo , President Quirino ngunit nauwi sa habulan patungong Brgy. Poblacion ng Buluan.
Mga elemento ng military kasama ang President Quirino MPS at Buluan MPS ang nanguna sa operasyon.
Noong Feb. 24 arestado rin ng mga otoridad sa Brgy. Poblacion ng Buluan si Kokie Espardera. nakumpiska sa kanya ang nasa 34,000 pesos na halaga ng shabu.
AFP Pic

Facebook Comments