Kalibo, Aklan – Kinumpirma ni Mr. Terence Jun Toriano ng MDRRMO Kalibo sa RMN DYKR Kalibo na operasyonal na ang mga dagdag na CCTV cameras na naka install sa iba’t-ibang lugar sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Toriano, na kabilang ito ng smart city concept ng Kalibo.
Nakakonekta naman ang mga CCTVs sa lahat ng Tactical Operational Centers sa opisina ng MDRRMO kung saan kapareho rin ito sa ginagawa ng mga malalaking siyudad sa bansa.
Dagdag pa nito na ang mga cameras ay may artificial intelligence na pwedeng makabasa ng plate number ng mga sasakyan habang ang iba ay may facial recognition features.
Plano rin ng munisipyo na magpatupad ng non-contact apprehension sa mga traffic violations.
Maliban pa dito ay palalakasin rin ang crime prevention at monitoring sa oras ng kalamidad.
Plano rin ng LGU-Kalibo na magkaroon ng kapasidad ang mga CCTV na gagana pa rin kahit na walang kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng solar power.
Sa ngayon ay sakop nang CCTV operations ang Jaime Cardinal L. Sin Avenue sa Andagao, Osmeña Avenue, at ang dalawang tulay palabas at papasok ng Kalibo.

Facebook Comments