Bayan ng Kalibo, nangunguna sa mataas na kaso ng Dengue sa Aklan

Kalibo, Aklan- Nakitaan ng pagtaas ng Kaso ng dengue ang probinsya ng Aklan kung ikukumpara sa naitala noong 2021. Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng PHO-Aklan tumaas ng 29 percent ang 37 cases na naitala mula January 1- May 7, 2022 kung ikukumpara sa 28 cases na naitala noong 2021 sa parehong buwan. Nangunguna rito ang bayan ng Kalibo na may siyam, sinusundan ng Ibajay na may anim, Numancia na may lima, habang may tig tatlo naman ang Lezo at Malay, tig dalawa sa Buruanga at Malinao at tig iisang kaso sa Batan, Balete, Banga, Makato, Tangalan, Nabas at Libacao. Dagdag pa nito na ayon sa ulat ng disease reporting unit, ang St. Gabriel Medical Center ang naka-detect ng maraming kaso na umabot sa 18, Provincial hospital na may 7, Aklan Cooperative Mission Hospital 4, habang 3 naman ang nadetect sa Panay Healthcare. Nilinaw din ni Cuachon na ang 75 anyos na senior citizen sa Numancia ay namatay dahil sa kanyang sakit at indirect cause lamang ang dengue. Walang naitalang clustering of cases sa Aklan sa ngayon at nanatiling under control ito ayon kay Cuachon. Kung titingnan umano ang trend, kada tatlong taon nagkakaroon ng outbreak dahil sa dengue katulad nang nangyari noong 2019.
Facebook Comments