“Bayanihan, bakunahan 4” sa mga liblib na lugar, pahirapan ayon sa DOH

Inamin ng Department of Health na nahihirapan silang puntahan ang mga liblib na lugar na siyang target ng Bayanihan, Bakunahan 4 ng pamahalaan.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hirap silang hanapin ang mga hindi pa nababakunahan sa mga naturang lugar.

Problema rin nila ang mababang vaccination turnout bunsod ng malaking bahagi na ng populasyon ang bakunado na habang ang mga hindi pa bakunado ay kumpiyansa nang hindi tumanggap ng proteksyon laban sa COVID-19.


Mababatid na nagsimula na kahapon, March 10 ang ika-apat na bugso ng nationwide COVID-19 vaccination drive ng gobyerno na layong makapagbakuna ng 1.8 milyong pilipino.

Samantala, sinisilip na rin ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shot sa mga kabataan at menor de edad anim na buwan matapos ang kanilang unang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Bagama’t wala pang rekomendasyon para rito ay sinabi ni National Vaccination Operations Center Chief Myrna Cabotaje na kinokonsidera na nila ito kasabay ng patuloy na pag-aaral ng eksperto sa proteksyong ibinibigay ng bakuna sa mga mas batang indibidwal.

Facebook Comments