Kalibo, Aklan – Bukas ang baybayin ng Boracay sa mga maliligo bukas sa kapistahan ni San Juan de Bautista.
Ayon kay Malay Acting Mayor Frolibar Bautista, na base sa kanilang napagkasunduan kahapon ng mga taga MDRRMO Malay, Philippine Coast Guard, PNP at iba pang miyembro ay pwedeng maligo sa dagat bukas pero bawal pa rin lumabas at maligo ang mga senior citizen at 21 years old pababa.
Anya, dapat pa ring sundin ang health protocols na ipinapatupad sa bayan ng Malay katulad ng pag fill-up ng pangalan sa mga designated swimming area at ang social distancing.
Mahigpit ring ipinagbabawal ag pagdadala ng pagkain at mga nakalalasing na inumin sa tabing dagat.
Facebook Comments