BEACH WEDDING | Coleen Garcia, busy at excited sa last preparation ng kanilang kasal ni Billy Crawford

51

Manila, Philippines – Busy at excited na daw ngayon ang aktres na si Coleen Garcia sa ginagawa niyang paghahanda sa kasal nila ni Billy Crawford.

Aminado si Coleen na kakaiba ang kaniyang abalang schedule ngayon, kumpara sa mga nakagawian bilang aktres lalo na at beach wedding ang magaganap.

Ayon kay Coleen, hands-on pa rin siya sa last-minute preparations para sa kasal at magiging bahay nila ni Billy na matatawag nitong “challenging and refreshing.”

Bakas din ang excitement nito sa paggamit ng hashtags “Billy is taken forever,” at “Mr. Billy Garcia.”

Samantala, posibleng operahan uli ang aktor na si Christopher De Leon matapos i-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ng Asian hospital.

Ito ay matapos ang maisugod sa parehong ospital noong nakaraang buwan para sa operasyon sa kanyang binti dahil sa pumalpak na blank bullet sa baril na ginamit sa ginagawa nitong teledrama.

Sa impormasyon, nawalan kasi ng malay si Christopher dahil sa blood infection at dumanas pa ng seizure noong nakaraang linggo kaya at kinakailangan niyang magpahinga ng dalawang buwan.

Facebook Comments