Isinusulong ang pagdaragdag ng bed capacity sa Conrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center sa Rosales, Pangasinan matapos talakayin sa pagdinig ang panukalang House Bill No. 8231 sa Committee on Health noong Marso 11, 2026.
Ayon sa kongresista ng ika-anim na distrito ng Pangasinan, sa ilalim ng panukala, itinataas nito ang antas ng ospital mula Level 2 patungong Level 3 general hospital kung saan madaragdagan ang bed capacity mula 103 hanggang 500.
Giit ng ilang mambabatas, dumarami ang mga pasyenteng nangangailangan ng kumpletong pasilidad at serbisyong medikal sa ika-6 na distrito ng Pangasinan.
Kaugnay nito, isinusulong din ang pagdaragdag ng mga kama at panukala sa pagpapatayo ng imprastraktura, pagkuha ng mas maraming medical personnel at pagpapalawak ng hospital services sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








