Beep Card para sa mga estudyante, Senior Citizen, at PWD sa MRT at LRT, nakatakdang ilunsad sa Setyembre; 50% discount, awtomatiko na rin sa naturang card —DOTr

Maari nang maka-avail ng beep card ang mga estudyante, senior citizen, at person with disabilities (PWDs) sa MRT at LRT.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, simula sa Setyembre ay maglalabas o ilulunsad nila ang beep card para sa piling sektor.

Ang naturang card ay awtomatiko na para sa 50% na discount para sa students, seniors, at PWD.

Matatandaan sa pag-iikot ni Dizon sa ilang istasyon ng tren ay reklamo ng mga pasahero ang kakulangan sa beep card kaya kailangan pang pumila ng ilan sa mga mananakay bago makakuha ng ticket at makapasok sa istasyon.

Kung kaya agad na nakipagpulong ang DOTr sa kompanya ng beep card para sa agarang solusyon.

Facebook Comments