Benefit concert ni Ariana Grande sa Manchester, England – sold out na

England – Sold out na ang tickets sa benefit concert ng American singer na si Ariana Grande sa Manchester, England.

Ang naturang benefit concert ay tulong para sa mga biktima ng pangbobomba sa kanyang concert noong May 23, na ikinasawi ng 22 katao.

Ayon sa promoter ng benefit concert, binigyan nila ito ng tema na “one love Manchester” na dadaluhan ng ilan sa mga bigating musicians katulad ng British rock band na Coldplay, Canadian pop singer na si Justin Bieber, Miley Cyrus, Pharrell Williams, Take That at Black Eyed Peas.


Matatandaang gusto ni Ariana na bigyan ng pagkilala ang lahat ng mga nasawi at mga fans na naapektuhan ng trahedya sa pamamagitan ng magaganap na benefit concert.
DZXL558

Facebook Comments