Tuesday, April 14, 2026

Metro Manila, mangangailangan ng P11-B para sa fuel subsidy

Mangangailangan ng P11 billion na fuel subsidy para sa mga nasa transport sector sa Metro Manila.

Ito ang naging tantya ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan sa pagdinig ng Senado patungkol pa rin sa national contingency plan at iba pang mga hakbang sa gitna pa rin ng tensyon sa Middle East.

Napabuntong hininga na lamang si Balisacan nang matanong ni Senator Risa Hontiveros kung magkano ba ang dapat na kailangan para matugunan ang kailangang fuel subsidy.

Ayon kay Balisacan, kung targeted ang approach sa pamamahagi ng subsidiya, maaaring makaagapay sa kinakailangang pondo ang 2026 budget at ang continuing appropriations sa ilalim ng 2025 national budget.

Gayunman, aminado si Balisacan na kung susubukang i-cover na rin ang ikalawang round ng subsidiya para tugunan ang epekto ng krisis, tiyak na magiging mahirap ito at mangangailangan ng dagdag na resources para paghugutan ng pondo.

Facebook Comments