BFAR, iimbestigahan ang malawakang fish kill sa Cavite

Iniimbestigahan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang nangyaring malawakang fish kill.

Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazer Briguera, naalarma na sila kaya kumuha na sila ng sample ng tubig at nangamatay na isda sa Cañacao Bay sa Cavite City.

Maging ang mga residente sa lugar ay nabahala na rin sa posibleng makaapekto sa kanilang kalusugan ang mabahong amoy na nagmumula sa libu-libong patay na tilapia na lumulutang sa Cañacao Bay, na nagsimula pa noong Linggo.


Ayon sa BFAR, ang mga patay na isda na ito ay tinatawag na “tilapiang gloria” na umano’y isang mas murang variant ng karaniwang tilapia na hindi kailangan pang palakihin sa mga fish cage.

Paliwanag pa ni Briguera, ang fish kill ay kadalasang sanhi ng pagbaba ng level ng dissolved oxygen sa tubig.

Facebook Comments