Nagpaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 sa publiko na maging maingat sa pagkonsumo sa mga binibiling pagkain at dapat na siguruhin na malinis ito, hindi lamang ng mga isda kundi pati ng mga fishery commodities.
Ayon sa BFAR Region 1 na mas mainam na bumili ng sariwa at ligtas na kainin ng tao at kailangan na suriin itong mabuti upang hindi humantong sa pagkalason o anumang mga sakit.
Ang paalala na ito ay kasunod ng naganap di umano na food poisoning ng mga residente mula sa dalawang barangay ng Bayambang na Inerangan at Beleng matapos makain umano ang isda na kanilang binili sa isang ambulant vendor na umikot sa kani;ang lugar.
Mababatid na unang napaulat na isugod sa ospital ang pitumpu’t limang katao matapos na kumain ng galunggong at tahong at at makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagkakaroon ng mga rashes. | ifmnews
Facebook Comments