Lima pang lugar sa bansa, inilagay sa Alert Level 1 ng IATF

46

Nadagdagan pa ang mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng Alert Level 1

Ito ay matapos na inilagay na rin ng Inter-Agency Task Force sa Alert Level 1 ang Nueva Vizcaya, Misamis Occidental, Talisay City sa Cebu, antipas sa North Cotabato at Banga sa South Cotabato.

Sabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar, ito ang napagkasunduan ng IATF at tatagal hanggang sa Mayo 15.


Una nang inanunsiyo ng palasyo noong nakaraang linggo na mananatili sa alert Level 1 ang National Capital Region at mahigit 80 pang lugar sa bansa.

Facebook Comments