BFP Cotabato City iikot sa mga barangay para sa iwas sunog campaign

*Inoobserba ngayon ng Bureau of Fire and Protection ang buwan ng Marso na Fire Prevention month kung saan nakalatag na ang mga gagawing aktibidad may kaugnayan sa iwas sunog.*
*Ayon kay FO2 AldRIN Nara, ang tagapagsalita ng BFP Cot.City na mainit kasi ang panahon kapag buwan ng March at mataas ang kaso ng sunog na naitatala kung kayat pina-alalahanan ang publiko na umiwas sa anumang uri ng pagsunog ng kapaligiran na posibleng maging mitya ng malaking sunog.*
*Sinabi pa ni Nara na iikot sila sa mga barangay at paaralan para magconduct ng lectures at magbigay ng tips kung paano makaiwas sa sunog.*

Facebook Comments