Tugegarao City, Cagayan – Magkakaroon ng rigodon ang BFP sa Rehiyon Dos simula Enero 1, 2018.
Ito ang nalaman ng RMN Cauayan News kay F/SI Franklin Tabingo sa tiempo ng kanilang isinagawang courtesy call kay Isabela Provincial Administrator Atty Noel Lopez sa kapitolyo ng Isabela.
Simula sa unang araw ng 2018 ay pangungunahan ni F/Supt Neil Carangian bilang BFP Director ng Lalawigan ng Isabela.
Ang kanyang papalitan na si F/Supt Juanito Diamsay ay malilipat sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Ang magiging bagong direktor ng Lalawigan ng Quirino ay si F/Insp Royvib Rugayan at ang itatalaga naman sa Lalawigan ng Cagayan ay si F/CI Michael Castillo.
Ilan pa sa nakatakdang uupo sa Lalawigan ng Isabela na mga bagong opisyal ng BFP ay sina F/SI Joel Diwata ng Santiago City, F/SI Franklin Tabingo sa Lungsod ng Ilagan at F/Insp Jamille Mae Baloran sa Lungsod ng Cauayan.
Ang mga ibang bayan ng Isabela na magkakaroon ng bagong pinuno ng BFP ay sina F/Insp Bernard Gawongna ng Bayan ng Cabatuan at F/Insp Jerry Palicas na maitatalaga naman sa Roxas, Isabela.
Ang pagtatalaga sa mga bagong pinuno ng BFP sa mga probinsiya, siyudad at mga bayan ng Rehiyon Dos ayon pa kay Tabingo ay mula sa kautusan ng pinakamataas na pinuno ng kagawaran ng pamatay sunog na si Fire Director, C/Supt Leonardo Bañago.