Kalibo, Aklan- Pwedeng ireklamo ang miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team na hindi aktibo sa pagmonitor ng mga nakahome quarantine na mga Returning Overseas Filipino(ROFs) at Locally Stranded Individuals (LSIs) at iba pang mga indibidwal na may kinalaman sa Covid-19.
Ito ang pahayag ni Mr. Terence June Toriano ng MDRRMO Kalibo matapos na patuloy ang pagsisiuwian ng mga ROF at LSI sa mga probinsiya.
Ayon sa kanya hindi na kayang maaccomodate ng mga LCC o Ligtas Covid Center ng mga LGU ang mga nagsisiuwian kung kayat sa bahay na lamang ito mag quarantine.
Wala na rin umanong pondo ang mga LGUs na pambayad para sa mga quarantine facilities tulad ng mga hotels.
Sa bayan ng Kalibo 13 silid lamang ang capacity ng LCC na itinalaga ng bayan.
Hindi rin umano pwedeng magamit ang Regional Evacuation Center sa Tigayon dahil hindi to nakapasa sa criteria sapagkat kulang ang mga palikuran dito.
Kung kayat nakasalalay ngayon sa mga BHERTS ang strict monitoring sa mga nakahome quarantine sa kanilang mga barangay.
Kailangang masigurado na hindi ito lalabag sa mga protocol para hindi na kumalat ang virus sa kanilang pamilya at maging sa komunidad.
Sa oras na hindi magampanan ng BHERTs ang kanilang tungkulin ay maari silang ireklamo ng mga concernedd citizen at mananagot sa MLGOO.
Ipapaalam din ito sa Municipal Health Office para agad na mapalitan kung mapatunayang hindi naging epektibo ang kanilang pagbabatay.
Habang bukas din umano ang tanggapan ng MDRRMO na magbigay ng assistance sa mga BHERTS kung kinakailangan dahil sa pagdagsa ng mga magsisiuwian.
BHERTS NA HINDI AKTIBO SA MONITORING NG NAKA HOME QUARANTINE SA KANILANG BARANGAY, PWEDENG IREKLAMO
Facebook Comments