BIAF Officers assembly ng MILF naging matagumpay

Naging matagumpay ang dalawang araw na Bangsamoro Islamic Arm Forces BIAF Officers Assembly ng Moro Islamc Liberation Front na isinagawa sa loob ng Camp Darapanan Sultan Kudarat Maguindanao kung saan umaabot sa 46,287 BIAF ooficers ang dumalo mula sa Minsupala. Layon ng pag-assemble ng mga BIAF officers, na ipakita ang kanilang pagkakaisa at solidarity sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law na ginawa ng Bangsamoro Transition Commission. Ipinaliwanag din sa kanila kahapon ni BTC Chairman Gadzali Jaafar ang status o update ng BBL sa dalawang kapulungan ng Kongreso, na muling tatalayin sa plenary nextweek sa pagbubukas ng session ng Kongreso after ng May 14 election. Naniniwala ang mga BIAF Officers na ang pagpasa ng BBL ang tanging sulusyon sa matagal ng Bangsamoro problem, na magkakaroon ng sariling identity sa paglikha ng Bangsamoro Government. Dumalo kahapon ang mga Central Committee ng MILF na pinangunahan ni MILF 1st Vice Chairman at BTC Chair Gadzali Jaafar, Chief of Staff Sammy Almanzoor,MILF Implementing chair Mohagher Iqbal at iba pa.Naroon din si OPAPP Assistant secretary Dickson Hermoso at Internationla Monitoring Team o IMT.

Facebook Comments