Pumalo sa 1,169 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kahapon, July 22.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mas mataas ito kumpara sa naitalang 1,002 new COVID cases noong July 21.
Lumalabas din sa Metro Manila COVID-19 tally na apat sa lungsod dito ang nakapagtala ng higit sa 100 bagong kaso ng sakit.
Kabilang dito ang Quezon City na may 219 na bagong kaso na sinundan ng Makati na may 156 new cases; Manila na mayroong 143 bagong kaso at Taguig na 123.
Samantala, narito ang naitalang bago kaso ng sakit sa ibang bahagi ng Metro Manila:
Pasig – 96
Parañaque – 77
Las Piñas – 69
Pasay – 47
Muntinlupa – 45
Mandaluyong – 44
Marikina – 39
Caloocan – 34
Valenzuela – 33
San Juan – 19
Pateros – 14
Malabon – 7
Navotas – 2