Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Makati, pumalo na sa mahigit 2,800

42

Umabot na ng 2,896 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Makati.

Ito’y matapos madagdagan ng 18 mga bagong kaso ng COVID-19 kagabi.


Nananatiling 139 ang kabuuang bilang ng nasawi ngayon sa lungsod na dulot ng virus.

Nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng recoveries kahapon, kaya naman umakyat ang kabuuang bilang nito ngayon sa 1,584.

Dahil dito, nasa 1,173 ang active cases ngayon sa lungsod.

Mataas pa rin ang bilang ng suspected COVID-19 cases sa lungsod na nasa 806 habang 11 naman bilang ng probable cases.




Facebook Comments