Hindi pa man nagtatapos ang Enero nitong taon ay patuloy naman ang pagdami ng insidente ng pamamaril sa Lungsod ng Zamboanga. Ito ay bagamat may umiiral na Batas Militar sa Mindanao.
Ayon sa datos na nakalap, umaabot na sa 11 insidente ng pamamaril ang naitala, 13 dito ang idineklarang patay at isa ang sugatan.
Ang pinakabagong insidente ay nangyari nito lang Martes kung saan dalawa ang namatay sa magkahiwalay na insidente at isa ang sugatan.
Idol, ano ang masasabi mo sa pagpapatupad nila ng sinasabing pagcontrol sa paglaganap ng kriminalidad sa Lungsod ng Zamboanga?
Facebook Comments