Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay City, patuloy na tumataas; ECQ, pinalawig sa isang barangay sa lungsod

Muling nakapagtala ang lungsod ng Pasay ng karagdagang 42 kaso ng COVID-19.

Dahil dito, pumalo na sa 1,432 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Apatnapu’t siyam (49) dito ang namatay habang 648 ang nakarekober sa sakit.


Samantala, pinalawig hanggang August 1, 2020 ang ipinapairal na Extreme Community Quarantine (ECQ) sa Barangay 185 Zone 19 sa Pasay.

Ito ay makaraang makapagtala ng higit limang bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay.

Magpapatupad din ang mga opisyal ng localized lockdown sa bawat boundary ng barangay.

Facebook Comments