Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City, umabot na 1,134

Umakyat na sa 1,134 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa impormasyon ng QC Health Office, nadagdagan ng 51 ang bilang ng nakarekober sa lungsod.

Nadagdagan naman ng 82 ang mga nagpositibo sa virus na may kabuuang 2,376 COVID-19 positive cases.


Sa mga positibong kaso, 2,273 rito ang may kumpirmadong kumpletong address sa Quezon City habang 2,198 naman ang na-validate ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.

Batay naman sa QC-Local Government Unit (LGU), nasa 870 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nadagdagan naman ng dalawa ang binawian ng buhay na umabot na sa 194.

Facebook Comments