Apat, patay; anim, sugatan sa karambola ng tatlong truck sa Tuba, Benguet

Nasawi ang apat na indibidwal habang sugatan naman ang anim na iba pa matapos na magsalpukan ang tatlong truck sa Tuba, Benguet.

Sa ulat ng Benguet Police, naganap ang aksidente kaninang alas-kwatro ng madaling araw sa Marcos Highway ng Bontiway, Brgy. Poblacion.

Isang garbage truck na may plakang SKR 634 ang nawalan ng kontrol at bumangga sa isang dump truck na may plakang NFZ 7477.


Sa lakas nang pagkakasalpok, bumangga naman ang dump truck sa isang trailer truck na may plakang RHK 439 na nasa kabilang linya ng kalsada at patungo sana sa Baguio City.

Sa ngayon, wala pang pagkakakilanlan ang mga nasawi na pawang mga lalaki.

Isinugod naman ang mga sugatan sa ospital at ngayon ay patuloy na ginagamot.

Facebook Comments