Bilang ng mga healthcare workers na gumaling sa COVID-19, umabot na sa higit 1,300

81

Umabot na sa 2,560 na healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mula sa nasabing bilang ay nasa 1,342 ang gumaling sa sakit, habang umakyat na sa 32 ang namatay.


Nasa 1,186 ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine. 962 dito ay mild cases, 222 ang asymtomatic, at dalawa ang nasa severe condition.

Ang bilang ng COVID-19 positive healthcare workers ay 15% ng kabuuang kaso sa buong bansa.

Facebook Comments