BILANG NG MGA MAG-AARAL SA ILOCOS REGION NA MAAGANG NAGPAREHISTRO PARA SA SY 2022-2023, NASA 81K NA ESTUDYANTE

21
Umabot na sa higit 81, 000 na estudyante sa Ilocos Region ang nakapagparehistro para sa School Year 2022-2023.
Sa datos ng Department of Education Region 1, nitong April 8, nasa 81, 235 na learners sa buong Ilocos Region mula kindergarten, Grades 1, 7 at 11 ang maagang nag enroll para sa bagong school year.
Ang naturang bilang ay mula sa labing apat na dibisyon sa buong rehiyon.

Ang Pangasinan ay may pinakamataas na registered learners na may 40,847 kasunod ang Ilocos Sur na may 14, 852, 12, 783 sa Ilocos Norte at panghuli ang La Union na may 10, 066.
Pinaalalahanan ang mga magulang na maaga nang iparehistro ang kanilang mga anak na magtatagal hanggang sa April 30. | ifmnews
Facebook Comments