𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗫𝗧𝗨𝗣𝗟𝗘𝗧𝗦

CAUAYAN CITY – Dalawang babae (2) at apat (4) na lalaki ang ipinanganak ng isang 27 anyos na Pakistani woman, kamakailan.

Ang sextuplets ay isinilang sa isang ospital sa siyudad ng Rawalpindi, Pakistan.

Ayon sa report, ang nanay na nakilalang si Zeenat Waheed ay kaagad na itinakbo sa ospital ng kanyang asawa ng magpakita ito ng senyales na manganganak na.


Kinabukasan, nailuwal niya ang anim na supling na magkakasunod sa loob lamang ng isang oras.

Nasa below two pounds umano ang timbang ng mga sanggol at kasalukuyang nasa incubator habang nasa pagamutan.

Ito rin aniya ang unang beses na nanganak si Waheed at pinag-iisipan pa nito kung magbubuntis pa siya.

Samantala, itinuturing naman ng mga eksperto na once in a blue moon ang pangyayaring ito dahil nangyayari lamang ito sa “one in 4.7 billion.”

Facebook Comments