Nasa higit anim na libo na ang na-iparehistro ng Philippine Statistics Authority – Regional Statistics Service Office 1 para sa mabibigyan ng birth certificate na naka-imprenta sa Security Paper (SECPA) sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa PSA-RSSO 1, nasa 6,616 na ang kabuuang bilang ng mga Pangasinense ang na-iparehistro sa ilalim ng naturang programa. Habang nasa 5,972 naman na ang mga benepisyaryo ng programa na natanggap na ang nasabing dokumento.
Kabuuang 8,388 na rin ang nailabas na SECPA documents ng tanggapan at naipamahagi na rin sa mga nagmamay-ari nito pagkatapos na makapagparehistro.
Sa buong rehiyon uno, higit siyam na libo o 9,386 ang na-iparehistro na ng tanggapan sa naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments