Nananatiling matatag ang suplay ng bangus sa lalawigan ng Pangasinan, sa kabila ng posibleng banta ng pabago-bagong panahon na nararanasan ngayon.
Matatandaan na nauna nang kinumpirma ng Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA sa IFM News Dagupan ang maaaring bahagyang maging epekto nito sa produksyon ng bangus.
Sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City, naglalaro sa P140 hanggang P180 ang kada kilo ng bangus, depende ito sa laking bibilhin.
Sa ilang nakapanayam ng IFM news Dagupan Team na tindera ng bangus wala umanong nararanasang paggalaw sa presyuhan hanggang sa mga susunod pang araw.
Samantala, nakatakdang umarangkada ang mga programa ng SAMAPA katuwang ang DA-BFAR sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan na may layong maibahagi ang kaaalamang magpapabuti sa industriya ng bangus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨