Umaabot na sa 9,048 o 1.95% ang kabuuang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa COVID-19.
Ito ay matapos madagdagan ng 27 na bagong binawian ng buhay.
1,196 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 464,004.
Ang aktibong kaso naman ay 24,984 o 5.4%.
564 naman ang naitalang panibagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 429,972 o 92.7%.
Marami sa mga naitalang bagong kaso ay mula sa Quezon City, Rizal, Manila, Davao City at Batangas.
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 104 recoveries sa hanay ng overseas Filipinos.
Bunga nito, ang total recoveries na ay 8,333.
81 naman ang bagong mga Pinoy na na-infect ng virus sa abroad kaya umakyat na ang total cases sa 12,820.
Ang active cases naman ay 3,576.
24 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 911.