Bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Quezon City, umakyat na sa mahigit 550

17

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19 sa Quezon City.

Mula sa 547 na kabuuang bilang noong October 1, 2020, umakyat pa ito hanggang 551 hanggang kahapon October 4, 2020.

Hindi pa rin nakitaan ng pagbaba ang active cases ng COVID-19 sa lungsod mula sa 2,962 noong October 1, kung saan nasa 3,163 na ang bilang hanggang kahapon ng umaga.

Nasa 15,919 na ang mga COVID patient ang nakakarekober sa sakit mula sa 15,590 noong October 1, 2020.

Base sa datos ng Local Government Unit (LGU) pumalo na sa kabuuang bilang na 19,633 ang total number ng validated confirmed cases ng COVID-19 hanggang kahapon na mataas sa 19,099 noong October 1, 2020.

Nasa 19,137 pa ang mga suspected cases na tinututukan ng LGU.

Facebook Comments