Bilang ng mga nasawi sa lindol, umakyat na sa 8

Umabot na sa walo ang nasawi matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon, Lunes ng hapon.

Ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, dalawa ang naiulat na nasawi sa Lubao habang lima ang namatay sa pagguho ng Chuzon Supermarket sa Porac.

Kasabay nito, nanawagan naman ng tulong si Pineda para maisalba ang maaaring mga naiipit sa gumuhong gusali sa Porac.


Samantala, nagpadala na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang team na tutumulong sa rescue operation sa Porac, Pampanga.

Facebook Comments