Konsehal, patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Negros Occidental – Patay sa pamamaril ang isang konsehal ng Escalante City, Negros Occidental.

Papauwi na sa bahay si Councilor Bernardino Patigas lulan ng kaniyang motor nang sundan siya ng mga salarin na nakasakay din sa motorsiklo at pagbabarilin.

Binalikan pa umano ng salarin ang biktima at muling binaril sa ulo.


Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng mga suspek maging ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa konsehal.

Nabatid na kilalang human rights worker ng North Negros Alliance of Human Rights Advocate si Patigas.

Facebook Comments